Pahayag ng Transit District: Novel Coronavirus (COVID-19)


English   Español   汉语   Tagalog   Tiếng Việt

UPDATE, 3/16/2020 - Patuloy ang Serbisyo ng SamTrans Habang Ipinapatupad ang Utos na "Shelter in Place (Manatili sa Bahay)" para sa Kalusugan ng Publiko.

Naglabas ng Utos para sa Kalusugan ng Publiko na inaatas sa mga residente ng Bay Area na nasa anim na county, kasama ang San Francisco, San Mateo at mga county ng Santa Clara na manatili sa bahay dahil sa coronavirus (COVID-19). Ang mga serbisyo ng pampublikong transportasyon, tulad ng Caltrain ay tinukoy bilang "mahalaga" ayon sa utos at magpapatuloy itong mag-ooperate, gayunpaman, limitado ang paggamit ng pampublikong transportasyon sa mahalagang kinakailangang pagbibiyahe lamang.

Patuloy na mag-ooperate ang SamTrans sa walang pasok na araw sa mga karaniwang araw. Sa buong linggo, ang mga ruta ay hindi paglilingkuran ang mga hintuan (stops) na may label na ‘Mga Araw na May Pasok Lamang.’ Hindi magbabago ang pag-operate ng serbisyo sa weekend at serbisyo ng paratransit. Mahigpit na susubaybayan ang mga sumasakay na pasahero upang matiyak na magagawa ng mga sumasakay ang pagdistansiya sa tao ayon sa mga alituntunin ng Center para sa Pagkontrol ng Sakit (Center for Disease Control, CDC).

Nabawasan ng humigit-kumulang na 19% ang mga karaniwang sumasakay na pasahero sa karaniwang araw simula nang magsimula ang mga pagsusumikap na mapigilan ang COVID-19.

Magpapatuloy ang SamTrans na panatilihin ang araw-araw na paglilinis ng sasakyan at mga protokol ng sanitasyon nang sumusunod sa mga alituntunin ng Ahensiya sa Pangkapaligirang Proteksyon (Environmental Protection Agency, EPA). Upang matiyak ang kalusugan ng aming mga tauhan, bibigyan ng SamTrans ang mga operator ng bus ng hand sanitizer dahil wala silang access sa sabon at tubig habang nasa sasakyan.

Sinusuportahan din ng SamTrans ang mahalagang pagmemensahe tungkol sa kalusugan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga brochure sa lahat ng bus sa mga darating na linggo, na may impormasyon mula sa CDC tungkol sa kung paano babawasan ang panganib ng pagkakalantad.

Ipapatupad ang utos para sa kalusugan ng publiko nang hanggang Abril 7, 2020, ngunit maaari itong palawigin o bawasan.



UPDATE, 3/13/2020 - Bilang pagtugon sa mga pagsasara ng eskuwela sa San Mateo County, bilang bahagi ng pagsusumikap na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus (COVID-19), magsisimulang mag-operate ang SamTrans sa regular, walang pasok na schedule sa mga karaniwang araw. Hindi magbabago ang serbisyo sa weekend. Sa buong linggo, ang mga ruta ay hindi paglilingkuran ang mga hintuan (stops) na may label na ‘Mga Araw na May Pasok Lamang.

Nabawasan ng humigit-kumulang na 19% ang mga karaniwang sumasakay na pasahero sa karaniwang araw simula nang magsimula ang mga pagsusumikap na mapigilan ang COVID-19.



UPDATE, 3/4/2020 - Sa kabila ng pagkalat ng Novel Coronavirus (COVID-19) sa Bay Area, sinusubaybayan ng San Mateo County Transit District ang sitwasyon at nagpapanatili ito ng regular na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensiya para sa kalusugan ng publiko, ang Metropolitan Transportation Commission at ang Centers for Disease Control (CDC). Ang Transit District ay ang nangangasiwang lupon para sa pangunahing pampublikong transportasyon at mga programa ng transportasyon sa San Mateo County, kasama ang serbisyo ng bus ng SamTrans at serbisyo ng tren ng Caltrain para sa commuter.

Gaya ng inulat ng CDC, nananatiling mababa ang napipintong panganib sa publiko na dulot ng COVID-19. Gayunpaman, nauunawaan namin na maaari itong magdulot ng mga pagkabahala sa kaligtasan sa mga pampublikong lugar, kasama ang pampublikong transportasyon. Kaya, gusto naming paalalahanan ang mga pasahero tungkol sa mga pag-iingat na inirerekomenda ng CDC na kailangang gawin ng lahat habang sakay ng pampublikong transportasyon upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit:

  • Hugasan ang inyong mga kamay ng sabon at tubig bago at pagkatapos sumakay ng pampublikong transportasyon. Kung walang magagamit kaagad na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na gawa sa alkohol na may hindi bababa sa 60% alkohol.
  • Iwasang hawakan ang inyong mga mata, ilong at bibig.
  • Iwasang hawakan ang inyong mga mata, ilong at bibig.
  • Huwag umubo sa inyong mga kamay. Takpan ang inyong ubo o bahin ng inyong siko.
  • Manatili sa bahay kung may sakit kayo.

Habang ang mga bus ng SamTrans at tren ng Caltrain ay palagiang nililinis at dinidisimpekta, ang pagsunod sa mga rekomendasyong ito ay ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit habang nakasakay. Nagbahagi rin ang Caltrain at SamTrans sa mga tauhan ng ahensiya ng impormasyon tungkol sa pag-iwas upang matiyak na mananatili silang ligtas at malusog kapag naglilingkod sa publiko.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 sa mga komunidad na pinaglilingkuran ng SamTrans at Caltrain, mangyaring tingnan ang impormasyon at gabay na ibinibigay ng mga sumusunod na ahensiya para sa kalusugan ng publiko:

Patuloy naming susubaybayan ang sitwasyon habang nangyayari ito at tutugon kami kung kinakailangan sa pakikipagtulungan sa aming mga katuwang sa kalusugan ng publiko at transportasyon.

Mag-ingat, hugasan ang inyong mga kamay at sumangguni sa mga ahensiya para sa kalusugan ng publiko upang bawasan ang panganib ng pagkakalantad.

Jim Hartnett
General Manager/CEO ng San Mateo County Transit District